Umaapela si Senator Christopher Bong Go sa lahat na makiisa sa imbestigasyon kaugnay sa online sabong o e-sabong at sa pagkawala ng mahigit 30 mga sabungero.
Ayon kay Go, marami ng buhay ang apektado kaya dapat lumabas ang mga nawawalang tao at lumabas ang katotohanan.
Muli ding iginiit ni Go sa Philippine National Police (PNP) at sa National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang kinauukulang ahensya ng pamahalaan na pagtulungang maresolba agad ang pagkawala ng mga sabungero.
Hiniling din ni Go sa Philippine Amusement and Gaming (PAGCOR) at iba pang government regulatory bodies na repasuhin ang mga polisiya para mapigilang maulit ang ganitong insidente.
Sang-ayon din si Go na pansamantalang isuspinde ang operasyon ng e-sabong habang isinasagawa ang malawakang imbestigasyon ukol sa mga nawawalang indibidwal.