Kooperasyon ng LGUs hiniling ng DOH para mabantayan ang 167 na OFWs na dadating sa bansa

Umaapela ang Department of Health (DOH) sa local na pamahalaan na imonitor ang mga OFW na uuwi sa bansa mula sa Macau.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, pagdating sa airport ay sasailalim sa pagsusuri ang 167 na OFWs.

Sa mga makikitaan ng sintomas agad silang dadalin sa medical facilities habang ang magnenegatibo ay papauwiin.


Gayunman para sa papauwiin dapat parin silang sumailalim sa home quarantine kung saan bantay sarado sila ng local na pamahalaan sa loob ng 14 na araw.

Facebook Comments