KOOPERASYON NG MGA DAGUPEÑOS PAGDATING SA WASTONG PAMAMAHALA SA BASURA, MULING IMINUNGKAHI

Seryoso ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City sa implementasyon ng ‘No Segregation, No Collection’ Policy upang maibsan ang problema sa basura at maipasara na ang anim na dekadang dumpsite sa bahagi ng Bonuan Gueset.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Waste Management Head Bernard Cabison, mapapansing may mga hindi kinokolektang basura dahil hindi ito naka segregate.

Para sa tamang pagsesegregate, narito ang mga tamang kinabibilangan ng mga itinapong basura.

HOLCIMABLES
BIODEGRADABLE
Medical/Sanitary Waste
Hazardous Waste

Kung wasto ang pagkakahiwalay-hiwalay ng mga basura, hindi ito magiging problema at tiyak na kokolektahin ito ng mga naghahakot.

Samantala, kung tuluyang isara na ang dumpsite ay gagawin itong Eco-Tourism Park na makatutulong na mas mapalakas pa ang turismo ng Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments