Kooperasyon ng mga mangingisda sa pagkakadiskubre ng higit P8-B na shabu shipment, kinilala ni PBBM

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging ambag ng mga Pilipinong mangingisda sa pagkakadiskubre ng mga floating shabu sa ilang karagatan sa Luzon.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang mga mamamayan mismo ang unang nakadiskubre at nagsumbong sa mga awtoridad dahilan upang maisagawa ang joint operations.

Hindi aniya ito mangyayari kung walang malasakit ang mga ordinaryong Pilipino na siyang naging naging daan upang makumpiska ang napakaraming kontrabando.

Wala man aniyang naaresto sa mga operasyon, ngunit mahalagang ipunto na hindi na makakapasok sa merkado ang droga na maaaring makasira sa buhay ng maraming Pilipino.

Facebook Comments