KOOPERASYON NG MGA RESIDENTE SA LINGAYEN PAGDATING SA SUNOG, PINURI NG BFP LINGAYEN

Epektibo ang ibinababang mga kaalaman at pagsasanay ukol sa fire safety sa mga komunidad sa bayan ng Lingayen, ayon mismo sa Bureau of Fire Protection (BFP) Lingayen.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay BFP Lingayen Municipal Fire Marshall FSInsp. Andell Combate, maayos ang pakikipag-ugnayan ng mga residente sa tuwing may naitatalang insidente ng sunog.

Sa tala ng ahensya, nasa siyam na fire incidents ang naitala noong 2023 habang mayroong sampu noong 2024, na pawang mga residential fires.

Sa pagpasok ng taon hanggang sa kasalukuyan, may isa pa lamang na naitala ng ahensya na agad naman naapula dahil sa tulong ng mga residente sa lugar.

Samantala, nakalatag na rin ang iba’t-ibang aktibidad na isasagawa ng BFP Lingayen alinsunod sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong Marso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments