Nakikiusap ang Pambansang Pulisya sa publiko na makiisa kasunod nang mas mahigpit na seguridad na ipinatutupad partikular na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, naka-red alert ang status sa buong Mindanao matapos ang MSU bombing incident noong Linggo ng umaga.
Ibig sabihin, mas maraming checkpoint, border control inspections at police visibility sa lugar upang hindi makatakas ang 2 suspek sa pagpapasabog.
Dito naman sa Metro Manila na nasa ilalim ng heightened alert, asahan din ang kaliwa’t kanang checkpoints bilang bahagi na rin ng security measures ngayong holiday season.
Pakiusap pa ni Fajardo sa publiko, makiisa sa mga otoridad at agad ipagbigay-alam kung may impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga suspek na kinilala na sina Kadapi Mimbesa alyas Engineer at Arsani Membesa na kilala sa mga alyas “Lapitos”, “Hatab” at “Khatab” na kapwa miyembro ng Daulah Islamiya Maute group.