Umapela ang Office of Civil Defense (OCD) ng kooperasyon mula sa publiko para na rin sa kanilang kaligtasan.
Ito’y dahil sa posibleng epekto ng Bagyong Kristine na nasa loob na ngayon ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, kailangan nila ng tulong ng publiko para matiyak na hindi mababalewala ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan.
Partikular na pinag-iingat ng OCD ang mga nasa low lying, flood prone at landslide prone areas.
Sa ngayon, nagbaba na ng direktiba ang OCD sa kanilang regional offices para gumawa ng preparedness measures para sa bagyo.
Tiniyak din nito ang kahandaan ng pamahalaan sa pamamagitan ng prepositioning ng mga asset at relief goods.