Kooperasyon ng publiko, kailangan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at mapaluwag ang restrictions – Malacañang

Inaasahan na ng pamahalaan na tataas pa ang kaso ng COVID-19 kasabay ng pagpapaluwag ng restrictions para sa muling pagbuhay ng ekonomiya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sang-ayon sila sa pahayag ni OCTA research team member Ranjit Rye na ang COVID-19 transmission ay tataas kasunod ng hakbang ng gobyerno na palawakin ang edad na papayagang lumabas ng bahay at paikliin ang curfew hours.

“May posibilidad po iyan. Pero naniniwala naman ako po na makikinig ang taumbayan, na iyon ngang endorser ng mask, hugas, iwas ay ang Presidente na mismo,” sabi ni Roque.


Tingin ni Roque, hindi sila nagkulang sa pagbibigay ng abiso sa publiko hinggil sa pagsunod sa minimum health standards.

Iginiit ng Palasyo na ang iniiwasan ng pamahalaan ay marami ang malalang tatamaan ng sakit kaya pinalalakas nila ang critical care capacity.

Facebook Comments