Kooperasyon ng ROFs sa mahigpit na quarantine, dapat tiyakin ayon sa eksperto

Mahalagang sumunod sa mahigpit na protocols ang mga umuuwing Pilipino para makontrol ang pagkalat ng mga variant ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Dr. Michael Tee, Vice Chancellor ng University of the Philippines (UP) Manila at kasapi ng OCTA Research sa gitna ng mga ulat na may mga Overseas Filipino Worker (OFW) na umaalis ng quarantine facility bago pa man matapos ang 10-day mandatory isolation para sa kanila.

Ayon kay Dr. Tee, hanggang hindi nauunawaan nang husto ang panganib na dala at epekto ng variants ng virus ng COVID-19, delikado ang pagpapalusot ng ilan.


May paraan na aniyang ipinatutupad para mabantayan ang mga border ng bansa at mapigilan ang pagkalat ng mga bagong variant ng virus.

Facebook Comments