
Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang kahapon si Singapore Prime Minister Lawrence Wong at kaniyang delegasyon.
Sa naganap na bilateral meeting kasama si Prime Minister Lawrence Wong, napagkasunduan ng Pilipinas at Singapore ang patuloy na pagtutulungan ng dalawang bansa sa usapin ng renewable energy.
Hinakayat din ni Pangulong Marcos ang Singapore na dagdagan pa ang green investment sa Pilipinas, na makakatulong sa green agenda ng kapwa bansa.
Habang nagkasundo rin ang dalawang lider na pabilisin ang digital leadership at pagpapabuti sa civil service sa pamamagitan ng Digital Leadership Program, na ipatutupad ng Civil Service Commission (CSC) at ng National University of Singapore.
Ayon kay Pangulong Marcos, malaki ang pakinabang sa dalawang bansa ng pagpapalakas ng kooperasyon sa larangan ng negosyo, edukasyon, humanitarian assistance, environment, at people to people exchanges.
Isusulong din aniya nila ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.









