Pinalakas ng La Union Police Provincial Office (LUPPO) ang ugnayan ng mga ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, civil society groups at mga komunidad sa isang Collaborative Stakeholders’ Forum.
Layunin ng pagtitipon na pagtibayin ang sama-samang pagkilos para sa kapayapaan, kaayusan at pag-iwas sa krimen sa lalawigan.
Tinalakay ang iba’t ibang hakbang tulad ng Enhanced Managing Police Operations (EMPO), kampanya kontra ilegal na droga at baril, pag-iwas sa terorismo, unified 911 system at disaster preparedness.
Ipinaliwanag na ang EMPO ay nakatuon sa mas maigting na patrol at anti-criminality operations laban sa pangunahing krimen.
Iniulat din na 139 sa 161 E911 calls mula Hulyo 30, 2025 ang nirespondehan sa loob ng limang minuto, bilang patunay ng mas pinabilis na koordinasyon para sa kaligtasan ng publiko.









