Kooperasyon sa maritime interests ng Pilipinas at UK, palalawigin

Nagkasundo ang Pilipinas at United Kingdom (UK) na palawigin pa ang kooperasyon sa maritime interests ng dalawang bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagpalitan ng pananaw ang UK at Pilipinas sa mga mahahalagang global at regional developments.

Nagbahagi rin ang dalawang bansa ng strategic at practical impacts ng maritime-related technology at legal concepts.


Tinalakay rin sa dayalogo ang maritime law enforcement, marine environment protection, climate adaptation, fisheries management efforts at professional seafaring.

Sinabi ng DFA na ang Maritime Dialogues ay oportunidad para isulong ang shared strategic interests sa mga malalapit at like-minded partners ng Pilipinas.

Para naman sa UK, ang maritime cooperation ang isa sa mga nais nito ma-“turbocharge” bilang bahagi ng Philippines-United Kingdom Enhanced Partnership.

Pinangunahan nina DFA Maritime and Ocean Affairs Office (MOAO) Assistant Secretary Maria Angela Ponce at UK Foreign, Commonwealth and Development Office (FCDO) Legal Director Andrew Murdoch ang dayalogo.

Facebook Comments