KOOPERATIBA NG MGA MANGINGISDA, NAKATAKDANG ITATAG SA AGNO

Nakatakdang itatag sa Agno ang kooperatiba ng mga mangingisda matapos isagawa ng lokal na pamahalaan, katuwang ang Cooperative Development Authority – Region I Extension Office, ang Pre-Registration Seminar (PRS) para sa pagbuo ng fisherfolk cooperative.

Layunin ng aktibidad na maihanda ang mga mangingisda sa wastong proseso ng pagtatatag ng kooperatiba bilang bahagi ng pagsuporta sa organisadong sektor at pagpapatibay ng pangmatagalang kaunlaran ng kanilang kabuhayan.

Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, umaasa ang lokal na pamahalaan na mas mapapalakas ang ugnayan at sama-samang pagkilos ng mga mangingisda tungo sa mas maayos na pamamahala at mas matatag na hanapbuhay.

Nitong Enero lamang ay tinipon ang mga kaugnay na ahensya sa bayan upang talakayin ang iba’t ibang isyu sa sektor ng pangisdaan, kabilang na ang iligal na pangingisda, na nakakaapekto sa kabuhayan ng marami sa mga mangingisda. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments