Koordinasyon ng District 1 at 3, Mahigpit Kaugnay sa Gawagaway-Yan Festival!

Cauayan City, Isabela – Mahigpit ang koordinasyon ng Barangay Distric 3 at District 1 sa mga aktibidad kaugnay sa Gawagaway-Yan Festival ng Cauayan City.Ito ang naging pahayag ni Barangay Capatain Bagnos Maximo Jr ng District 3 sa naging panayam ng RMN Cauayan.

Sinabi pa ni Captain Maximio Jr. na regular ang koordinasyon nila ni Barangay Captain Esteban Uy ng District 1 , mga tauhan at opisyal ng Public Ordinance and Safety Division o POSD at PNP dahil narin sa araw-araw na mga kaganapan o aktibidad para sa kapistahan ng lungsod.

Ipinaliwanag pa ng kapitan na mas doble ang ginagawang pagmamanman ng POSD, PNP at mga barangay tanod ng District 1 at 3 upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat indibidwal lalo na ang mga bisita o turista na nakikisaya sa nasabing festival.


Samantala simula umano noong Marso kinse hanggang sa kasalukuyan ay wala pang naitatalang hindi kanais-nais na pangyayari na ang ibig sabihin umano ay matiwasay ang selebrasyon ng Gawagaway-yan Festival kung saan ito ay hanggang sa Abril kinse.

tagas: Luzon, RMN News Cauayan, DWKD 985 Cauayan, Gawagaway-an Festival, Bagnos Maximo Jr. Esteban Uy

Facebook Comments