KOORDINASYON NG MGA AHENSYA SA DAGUPAN CITY, SUSI SA MABILIS NA PAGBANGON MULA SA BAGYO

Upang higit pang mapaigting ang kahandaan at koordinasyon ng lungsod sa panahon ng sakuna, pinangunahan ni Mayor Belen T. Fernandez ang post-assessment meeting ng City Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay ng naging epekto ng Super Typhoon Uwan sa Dagupan City.

Sa pagpupulong, nagbigay ng kani-kaniyang ulat ang mga kinatawan mula sa pambansa at lokal na ahensya tungkol sa lawak ng pinsala, bilang ng mga apektadong pamilya, at mga kasalukuyang hakbang para sa agarang rehabilitasyon ng lungsod.

Kabilang sa mga tinalakay ang mga hamon sa komunikasyon, distribusyon ng relief goods, at seguridad sa mga evacuation centers—mga usaping layuning mapabuti pa sa susunod na mga operasyon ng disaster response.

Ipinag-utos din ni Mayor Fernandez ang patuloy na mahigpit na monitoring ng lebel ng tubig sa Sinucalan River at mga dam, upang makapagbigay ng maagang babala at pre-emptive evacuation sa mga barangay na madalas bahain.

Dumalo rin sa pagpupulong ang miyembro ng Sangguniang Panglungsod at iba pang ahensya.

Ayon sa alkalde, mahalagang matutunan ang mga karanasan mula sa bagyong Uwan upang mas maging resilient at mabilis umaksyon ang Dagupan sa harap ng anumang kalamidad.

Sa pagtatapos ng pulong, tiniyak ng CDRRMC na patuloy ang pagtutulungan ng bawat tanggapan tungo sa isang mas ligtas, handa, at matatag na Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments