Koordinasyon ng MILF sa militar para sa nalalapit na plebisito, pinasisiguro

Nakipagpulong si Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Al Hajj Murad Ebrahim sa gobyerno para sa nalalapit plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Enero 21.

Ito ang pinakaunang pagkakataon na binisita ng mataas na opisyal ng MILF ang headquarters ng 6th Infantry Division sa Awang, Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao matapos ang limang dekadang pakikipaglaban sa gobyerno.

Sa nasabing pulong, tinalakay ang security updates sa ground kung saan tinitiyak ng bawat isa ang pagkakaroon ng koordinasyon upang magkaroon ng democratic public space habang isinasagawa ang plebisito.


Binigyang diin naman ni Ebrahim na matagal nang natapos ang pakikipaglaban ng MILF sa gobyerno at ang tunay na kalaban daw nila ay ang opression, exploitation at kawalan ng hustisya.

Umaasa ang bawat isa na sa pamamagitan ng BOL ay maibibigay ang patas na pamumuhay sa mga Moro at magkaroon na din ng kapayapaan.

Facebook Comments