Koordinasyon sa LGUs, mahalaga sa relief distribution – VP Robredo

Binigyang diin ni Vice President Leni Robredo ang kahalagahan ng koordinasyon sa Local Government Units (LGU) para sa maayos na relief distribution sa mga lugar na nasalanta ng mga bagyo.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, makatutulong ang LGU coordination sa maipaabot ang tulong sa mga lugar na hindi pa nahahatiran ng tulong.

Pinuri ng Bise Presidente ang mga LGU na kanyang nabisita dahil sa organisado at mayroong kumpletong datos.


Maliban sa pagkain, may ilang LGU ang nangangailangan ng construction materials tulad ng aluminum sheets, coco lumber, laminated sacks at iba pa na magagamit sa pagsasa-ayos ng mga nasirang bahay.

Sa ngayon, patuloy ang pagbuhos tulong para sa mga nasalanta ng bagyo sa Office of the Vice President mula sa iba’t ibang organisasyon at private individuals.

Facebook Comments