Pinaiigting ng Binmaley Police Station ang koordinasyon sa mga barangay council kasunod ng pagkakabilang ng bayan sa listahan ng Yellow Category Areas of Concern ng COMELEC sa halalan ngayong taon.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Binmaley Deputy Chief of Police PCPT Alexander Supsupin, ito ay bahagi ng mas pinaigting na police presence sa kanilang area of responsibility.
Iginiit ng opisyal na handa ang kanilang tanggapan sa pagbabantay sa publiko ngayong election period.
Umaasa ang tanggapan na magiging mapayapa ang election ngayong taon sa bayan.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments