Koordinasyon sa mga ospital, mas madali na ngayon ayon sa OHCC

Hindi na ganoon kadami ang mga pasyenteng kailangang dalhin at bigyan ng atensyong medikal sa mga ospital.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Dra. Marylaine Padlan, medical officer ng One Hospital Command Center o OHCC na dahil na rin ito sa pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.

Mas madali na rin aniyang makipag-coordinate para sa transportation partikular sa hanay ng mga nasa Local Government Unit o LGU dahil hindi na ganoon kataas ang demand sa paggamit ng ambulansiya.


Sa ngayon ay naglalaro sa 150 hanggang 200 ang average calls na natatanggap nila sa OHCC.

Karamihan pa rin dito ay humihingi ng hospital referral at isolation facility assistance.

Kung patuloy aniyang makontrol ang pagkalat at pagdami ng bilang ng mga tinatamaan ng virus, inaasahan na nilang mas bumaba pa ang request na kanilang natatanggap.

Facebook Comments