Pinagtibay ng LTO Dagupan District Office at ng PNP San Fabian ang kanilang koordinasyon para sa mas epektibong pagpapatupad ng batas trapiko.
Tinalakay sa pulong ang pagpapatupad ng Regional Order No. 8, series of 2025, na naglalaman ng mga alituntunin sa pag-encode, pag-tag, at pag-alis ng alarms kaugnay ng mga hindi pa naaayos na apprehension ng mga lokal na pamahalaan.
Layunin nitong matiyak ang pare-parehong pag-unawa at maayos na aplikasyon ng mga patakaran sa paghawak ng traffic apprehensions at mga kaugnay na rekord.
Napag-usapan din ang pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa sa trapiko, pag-ayon ng mga estratehiya sa enforcement, at iba pang usaping may kinalaman sa kaligtasan sa kalsada.
Muling pinagtibay ng dalawang ahensya ang pagtutulungan upang mapahusay ang pagsunod ng publiko sa batas trapiko at masiguro ang kaligtasan sa kanilang nasasakupan.









