Kopya ng 2023 General Appropriations Bill mula sa Kamara, inaasahang matatanggap ng Senado pagkatapos pa ng dalawang linggo

Inaabangan na ng Senado ang isusumite ng Kamara na inaprubahang bersyon nito ng 2023 General Appropriations Act (GAA).

Kagabi bago magsara ang sesyon ng Kongreso para sa Undas break ay inihabol ng Kamara na mapagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ang P5.268 trillion 2023 national budget.

Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Senator Sonny Angara na sa susunod na isa hanggang dalawang linggo pa nila inaasahan na maisusumite ng Kamara sa Senado ang inaprubahang bersyon ng budget.


Paliwanag ni Angara, karaniwan kasing ganito katagal bago maisapinal ng Kamara ang amendments sa budget at bago maipadala sa Senado ang pinal na bersyon ng GAB.

Samantala, bagama’t naka-break ang sesyon ng Kongreso sa buwan ng Oktubre ay sinabi ni Angara na tutukan at tatapusin nila ang budget hearing.

Ito ay para pagbalik ng sesyon sa Nobyembre ay makahanda na sila para iprisinta sa plenaryo ang committee report ukol sa proposed 2023 budget.

Facebook Comments