Kopya ng 2025 National Budget, isinumite kay PBBM bago sumalang sa Kongreso

Tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kopya ng ₱6.3-trillion National Expenditure Program (NEP) o ang pambansang pondo para sa fiscal year 2025.

Ginawa ng Department of Budget and Management (DBM) sa Office of the President ang pagprisenta sa NEP matapos maisumite ang mga kopya nito sa Kamara at Senado.

Ang DBM ang dedepensa sa panukalang pondo ng pangulo para maaprubahan ng Kongreso.


Kabilang dito ang panggastos at mga alokasyon para sa iba’t ibang programa at mga inisyatiba.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na mamumuhunan ang pamahalaan sa paglikha ng mga trabaho, pagpapatibay ng serbisyong pangkalusugan, at pagpapalawak ng imprastraktura.

Target din ng gobyerno na tugunan ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bawasan ang kahirapan.

Facebook Comments