Kopya ng CCTV footage sa creek kung saan itinapon ang labi ni Reynaldo de Guzman, hawak na ng NBI

Manila, Philippines – Hawak na ng NBI ang kopya ng CCTV footage sa kalsada malapit sa creek sa Gapan, Nueva Ecija kung saan nakita ang labi ni Reynaldo De Guzman.

Gayunman, sinabi ni NBI-NCR Chief Cesar Bacani na malabo ang CCTV Footage.

Bunga nito, Dinala ang CCTV footage sa NBI-Forensics Division para masuri at para matukoy kung sino ang nagtapon ng bangkay ni De Guzman sa creek.


Humihingi na rin ang NBI ng kopya ng case records sa Caloocan Police kaugnay ng naging operasyon nito nang magresponde sa sumbong ng taxi driver na sinasabing hinoldap ni Carl Arnaiz , na huling nakasama ni de Guzman noong August 18.

Samantala, inilagay na sa provisional coverage ng Witness Protection Program ang mga magulang ni De Guzman.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta na nakakaramdam na ng takot ang mga magulang nito.

Facebook Comments