Libreng makakakuha ng Certified True Copies ng anumang civil registry documents tulad ng birth at death certificates, ang mga residente sa Mapandan, sa darating na Biyernes, Pebrero 27, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-36 na Civil Registration Month.
Hinihikayat ang lahat ng mga residente, na nakarehistro sa bayan, na samantalahin ang alok na libreng serbisyo upang makakuha ng mahahalagang dokumento na patunay ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal para sa anumang transaksyon sa mga paaralan, establisyemento at opisina.
Layunin ng aktibidad na ilapit ang serbisyo sa publiko sa mga residente at magkaroon ng maayos na rehistro.
Magsisimula ito mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon, sa itinakdang lugar ng lokal na pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










