Kopya ng dismissal order laban kay Iloilo City mayor Mabilog, natanggap na ng alkalde

Iloilo City – Natanggap na rin ng kampo ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog ang kopya ng dismissal order laban sa alkalde.

Kasabay nito, kinuwestiyon ng mga abogado ng alkalde ang batayan ng Ombudsman sa pagsibak kay Mabilog sa serbisyo.

Hindi malinaw para sa kanila ang sinabi ng Ombudsman na “defies financial logic” sa inilabas na desisyon kung saan walang report ng Commission on Audit (COA) o findings ng mga financial expert na maaring maging batayan.


Nabatid na sa desisyon ng Ombudsman ay guilty daw si Mabilog sa kasong serious dishonesty na isinampa ni dating Provincial Administrator Manuel Mejorada at nagsinungaling din daw ito sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na wala naman nakuhang basehan.

Una nang sinabi ng kampo ni Mabilog na dapat ay humiling siya ng political asylum dahil delikado ang kaniyang kaligtasan pagbalik sa bansa lalo na sa mga banta ng Pangulong Rodrigo Duterte pero nasa alkalde pa rin daw ang huling desisyon.

Facebook Comments