Kopya ng MIF Bill, natanggap na ng Palasyo

Kinumpirma ng Malakanyang na natanggap na nito ang kopya ng Maharlika Investment Fund (MIF) Bill na ipinadala ng Senado.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Operations Secretary Cheloy Garafil.

Ayon kay Sec. Cheloy Garafil, kahapon pa natanggap ng Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs (ODESLA) ang kopya ng panukalang batas.


Layunin ng panukala na gamitin ang state assets para sa investment at makalikom ng dagdag na pondo.

Hindi naman masabi ng kalihim kung gaano katagal pag-aaralan ni Pangulong Bongbong Marcos ang panukala at kung kailan ito lalagdaan ng presidente.

Matatandaang siniguro ni Pangulong Marcos na pag-aaralan niyang mabuti ang kontrobersiyal na bill at titingnan kung anu-ano ang mga ginawang pagbabago rito.

Facebook Comments