Kopya ng NEP para sa 2026 National Budget, isusumite ngayong hapon sa Senado

Iti-turn over na sa Senado ngayong hapon ang kopya ng P6.793 trillion na kopya ng National Expenditure Program (NEP) o pambansang pondo sa susunod na taon.

Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian, mamayang 1:30 PM ang nakatakdang pag-turn over ng Malacañang ng NEP sa Senado.

Inaasahang haharap mamaya si Budget Secretary Amenah Pangandaman na siyang magtu-turn over ng budget at tatanggapin ito ni Senate President Chiz Escudero at Gatchalian.

Ilalabas naman ng Senado ang calendar para sa 2026 budget oras na matanggap na nila ang kopya ng NEP.

Sa August 27 at 28 naman isasagawa ang briefing sa mga senador ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) at pagkatapos nito ay sisimulan na sa buwan ng Setyembre ang budget hearing ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Facebook Comments