Kopya ng panukalang budget para sa taong ito, pinababawi ng Kamara

Manila, Philippines – Inatasan ng liderato ng Kamara ang House Secretary General para bawiin sa Senado ang kopya ng proposed 2019 national budget.

Ayon kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, bumuo na ang House Appropriations Committee ng grupo na makikipagpulong sa counterpart nito sa Senado.

Aniya, layon nito na makapag-usap muna ang dalawang kapulungan tungkol sa nilalaman ng 2019 General Appropriation Bill.


Giit ni Arroyo, mayroong limang araw ang Senado at Kamara para ayusin ang gusot sa proposed 2019 national budget.

Facebook Comments