Kopya ng proposed 2022 national budget, naisumite na sa Senado

Hawak na ng Senado ang binalangkas ng Malakanyang na National Expenditure Program o ang panukalang pambansang budget para sa susunod.

Isinumite ito kay Senate President Tito Sotto III ni Undersecretary Janet Abuel ng Department of Budget and Management.

Ang proposed 2022 budget ay nagkakahalaga ng mahigit 5 trilyong pesos na mas mataas ng 11.5 percent o mahigit P500 billion sa pambansang Budget ngayong taon na 4.5 trillion pesos.


Kaugnay nito ay inaasahang sa susunod na mga araw ay maitatakda na ang pagbibigay ng breifing sa mga senador ng Development Budget Coordination Committee o DBCC ukol sa nilalaman ng panukalang 2022 national budget.

Kasunod nito ay isasagawa na ng Committee on Finance na pinamumunuan ni Senator Sonny Angara ang pagdinig sa panukalang budget ng ibat ibang ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments