Kopya ng reklamo na inihain ni Atty. Rico Quicho laban kay Senator Koko Pimentel, hawak na ng Prosecutor General ng DOJ

Naipasa na ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa Office of the Prosecutor General ang kopya ng reklamo na inihain ni Atty. Rico Quicho laban kay Senator Aquilino “Koko” Pimentel Jr.

Sinabi ni Guevarra na ipinaubaya na niya kay Prosecutor General Benedicto Malcontento ang pagdedesisyon sa paghawak sa nasabing reklamo.

Hindi naman masabi ni Sec. Guevarra kung kailan pormal na masisimulan ang preliminary investigation.


Si Pimentel ay sinampahan ng reklamo sa DoJ dahil sa sinasabing paglabag nito sa Republic Act 11332 at implementing rules and regulations ng Department of Health kaugnay sa sinasabing hindi pagsunod sa Enhanced Community Quarantine protocol.

Naniniwala ang grupo ni Atty. Quicho na inilagay ni Pimentel sa panganib ang buhay ng publiko lalo na ang mga health workers nung sinamahan niya sa Makati Medical Center ang kanyang asawang nagdadalantao kahit alam niyang siya ay may sintomas ng COVID-19 at kalaunan ay nakumpirmang positibo sa virus si Pimentel.

Facebook Comments