Manila, Philippines – Ipinangalandakan ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa media ang kopya ng sumbong niya na ipanarating sa tanggapan ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa maging sa opisina ng DILG.
Naglalaman ito ng mga karanasan ng simpleng mamayan na biktima ng mga pulis sa ilalim ng oplan tokhang.
Matatandaan, sinabi ni PNP Chief Bato Dela Rosa na wala silang sulat o sumbong na natatanggap mula sa Pangalawang Pangulo at gawa-gawa lamang ito ni Robredo dahil naiipit at nagpapalusot na lamang siya.
Pero ngayon, ipinakita ni Legal Counsel Barry Guiteirez ang kopya ng nasabing sulat, dated January 24, 2017 at na-receive ito ng opisina ni PNP Chief Dela Rosa noong January 30, 2017.
Dahil dito kinabahala ng Office of the Vice President ang pangyayari.
Anila, kung hindi napansin ang sumbong ni VP Robredo, paano pa kaya ang hinanaing ng simpleng mamamayan na biktima ng mga pulis.