KORAP | 3 opisyal ng DSWD, sinibak

Manila, Philippines – Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong undersecretaries ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ang kinumpirma ni DSWD Secretary Rolando Bautista.

Kabilang sa mga sinibak ay sina Undersecretary Maria Lourdes Turalde-Jarabe ng promotive operations and programs group; Undersecretary Hope Hervilla ng disaster response management group; at Undersecretary Mae Fe Ancheta-Templa ng protective operations and programs group.


Sinabi ng kalihim – noong November 14 pa ipinadala ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang notice of termination sa tatlong mga opisyal.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte sa Filipino community sa Papua New Guinea noong Biyernes na may tatanggalin daw itong opisyal ng gobyerno pagbalik nito sa bansa.

Facebook Comments