KORAP? | Liza Diño, ipinagtanggol ang asawang si Aiza Seguerra

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ngayon ni Liza Diño ang asawang si Aiza Seguerra hinggil sa corruption charges na kinakaharap nito.

Matatandaan na lumalabas sa report ng Commission on Audit (COA) na gumastos ng 268,000 Pesos ang National Youth Commission (NYC) sa mga snacks tuwing may mga meeting pero hindi umano ito opisyal.

Nabatid na si Aiza ang kasalukuyang chairperson ng NYC pero nagbitiw ito sa pwesto noong Abril 2018.


Ayon kay Liza, nagawa na ng kaniyang partner na ma-reconcile na ang lahat ng mga dokumentong kailangan ng COA kaya at umaasa siyang magiging maayos na ang lahat sa kanila.

Sinabi pa ni Liza na hindi magagawa ni Aiza ang ganitong uri ng korupsyon kung saan kaya daw itong kitain ng kaniyang partner sa isang pagkanta lamang nito.

Facebook Comments