KORAP? | Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nasaktan matapos siyang akusahan ni Pangulong Duterte na tiwaling opisyal

Manila, Philippines – Aminado si outgoing Ombudsman Conchita Carpio-Morales na nasaktan siya sa mga alegasyon laban sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa siyang korap na government official.

Kasabay nito, hinamon ni Morales si Duterte na magpakita ng mga ebidensya para patunayan ang mga alegasyon nito laban sa kaniya.

Matatandaan nag-umpisa ang pagbanat ni Duterte kay Morales nang punain nito ang anti-drug campaign ng gobyerno.


Pero giit ni Morales, ang kanyang mga pahayag laban sa war on drugs ay batay lamang sa kanyang personal na opinyon.

Facebook Comments