Manila, Philippines – Laganap rin ang suhol at korapsyon sa mga negosyo sa Pilipinas.
Batay sa 2018 EY global fraud survey, ang Pilipinas ay ika-17 mula sa 53 bansa na may mataas na bribery at corruption practices sa pribadong sektor.
Lumabas din sa report na 54% ng mga executives ang nagsabing malawak ang bribery at corruption practices sa business community.
Ang Brazil ang nangungunang bansa na may laganap na korapsyon sa pagnenegosyo, kasunod ang Colombia, Nigeria, Kenya at Peru.
Nangunguna naman ang Germany at Switzerland sa mga bansang hindi laganap ang korapsyon sa pagnenegosyo, kasunod ang Sweden at Finland, Taiwan, Netherlands, Denmark at Austria.
Isinagawa ang survey mula October 2017 hanggang January 2018 sa 55 bansa at teritoryo.
Facebook Comments