Manila, Philippines – Nagsimula na ang preliminary investigation sa 20 sundalo at opisyal ng militar na sankot sa korapsyon sa AFP Medical Center.
Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Edgard Arevalo, layon nitong matukoy kung may probable cause o sapat na basehan para isalang sa court martial ang mga iniimbestigahang tauhan ng AFP.
Kabilang sa iniimbestigahan sina dating AFP Health Service Commander Brig. Gen. Edwin Leo Torrelavega at v. Luna Medical Center Commander Colonel Antonio Punzalan na sinibak sa pwesto dahil sa command responsibility.
Sabi ni Arevalo, sentro ng imbestigasyon ang P1.491 milyon halaga ng ghost contract.
Facebook Comments