KORAP? | Sinibak na LTFRB Region 5 director, nais paimbestiahan sa kongreso ang umano’y pagiging tiwali ni LTFRB Chairman Martin Delgra

Manila, Philippines – Pinaiimbestihagan sa kongreso ng nasibak na regional director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang umano ay pagiging korap ni LTFRB Chairman Martin Delgra III.

Ayon kay Jun Abrazaldo, dating pinuno ng LTFRB-Bicol Region, inaarbor ni Delgra ang mga kaso ng mga nahuhuli nila.

Aniya, isang trucking company at isang bus company ang partikular na binibigyan umano ng espesyal na atensiyon ni Delgra.


Super espesyal din aniya para kay Delgra ang isang bus company na base sa datos ng region 5 ay notoryus na kolorum ang mga bus.

Depensa naman ni Delgra, nitong Biyernes, Abril 20, nang sinibak si Abrazaldo dahil sa ulat ng korupsiyon laban sa regional director.

Sa imbestigasyon ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) kay Abrazaldo, hindi pa kumpirmado ang mga alegasyon.

Sa imbestigasyon naman ng LTFRB, inaabsuwelto na umano si Abrazaldo.

Inaantabayanan pa ang magiging panig ni Delgra sa pagpapaimbestiga sa kaniya ni Abrazaldo.

Bago pamunuan ang LTFRB, si Delgra ay isang abogadong nakabase sa Davao at naging bahagi ng legal team ni Duterte noong halalan 2016.

Facebook Comments