Iginiit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kailangang linisin muna ang gobyerno mula sa korapsyon bago ibalik ang death penalty.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na SONA na kailangang buhayin ng death penalty upang magsugpo ang ilegal na droga at korapsyon.
Aminado si PDEA Director General Aaron Aquino – na hirap pa rin sila na tuldukan ang problema ng ilegal na droga kahit marami na ang nasawi at bultu-bulto ng kontrabando na ang nasabat mula 2016.
Bagamat pabor sila sa pagpataw ng death penalty sa drug traffickers, smugglers at manufacturers at international syndicate, hindi na dapat isama ang mga pusher at users.
Para kay PNP Chief, General Oscar Albayalde – dapat mapag-aralan ng husto ng Kongreso ang panukala.
Sabi naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo – maaaring sertipikahang urgent ang panukala.
Pero nakadepende pa rin ito sa mga mambabatas.
Bago pa man ang SONA, iba’t-ibang bersyon na ng death penalty na ang inihain sa Senado.