KORAPSYON | Organizer ng Miss Venezuela Beauty Pageant, kinansela ang kompetisyon

Venezuela – Kinansela ngayon ng mga organizer ang Miss Venezuela Beauty Pageant matapos ang alegasyon ng korapsyon.

Mula noong kumalat sa internet ang anomalya na may mga contestant ang pumapayag na makipagtalik sa mga judges para manalo ay agad nila itong pinatigil.

Sinasabing tumatanggap pa ng pera ang mga judges mula sa constestant.


Nagsimula ang nasabing pagbubunyag ng isampa ang anti-corruption case laban sa oil company na pag-aari ng gobyerno noong nakaraang taon kung saan marami ang naaresto.

Dahil sa pangyayari ay itinigil ng Miss Venezuela Organization ang auditions habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon.

Facebook Comments