Manila, Philippines – Hindi kumbinsido si Senador Panfilo Lacson na kahit sino ang iluklok sa tanggapan ng Bureau of Customs ay talamak pa rin ang kurapsyon.
Ayon kay Lacson mali umano ang pananaw ni pangulong Duterte na kahit sinong umupong Commissioner sa BOC ay hindi kayang tugunan ang problema ng kurapsyon.
Paliwanag ni Lacson, si BOC Leonardo Rey Guerrero bagama’t aniya ang kanyang training lahat sa kanyang public service career ay military, ay marami naman siyang magagandang feedback tungkol sa kanyang performance.
Giit pa ng Senador, noong hinahawakan niya ang MARINA ay binago nito ang naturang ahensiya ganundin umano ang kanyang ginawa noong siya pa ay dating Chief of Staff ng AFP ay maganda rin ang kanyang feedback mula sa mga kawani ng AFP.
Umaasa ang Senador na tuluyan ng mabago ni Guerrero ang masamang imahe ng BOC dahil positibo siya at mataas umano ang kanyang expectation sa naturang opisyal.