
Bilyun-bilyong pisong pondo na tila inanod lamang dahil sa kabi-kabila pa ring mga pagbaha tuwing umuulan.
Binatikos ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Pablo Virgilio Cardinal David ang tila kawalan ng improvement sa mga DPWH Flood Control Projects sa kabila ng napakalaking pondo na inilalaan dito ng pamahalaan.
Ayon sa kardinal, kung sisilipin ang COA Audit Reports sa mga proyektong ito ay siguradong marami ang labis na magugulat.
Malala na aniya ang climate change pero mas pinalala pa ito ng korapsyon.
Tila nasasayang lamang aniya ang flood control projects na tinawag nitong substandard.
Dahil dito, bukod sa mga flood control ay dapat din umanong isabay sa pagtatayo nito ang corruption control
Ginawa ni David ang pahayag nang ilahad ang sitwasyon sa ilang mga lugar sa Kalakhang Maynila na nagdulot din ng paglubog ng ilang simbahan sa baha.









