KORAPSYON | Tiwaling kontraktor, pinalalagay sa kategoryang durugista

73

Manila, Philippines – Pinalalagay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kategoryang mga durugista ang mga tiwaling kontraktor na pumapasok sa sari-saring proyekto sa pamahalaan.

Ito ay matapos na madismaya ang Pangulo sa korupsyon sa Pilipinas.

Paliwanag ng Pangulo, kapag napasok na sa kategoryang durugista, madali nang mapatay ang mga tiwaling kontraktor.

Kapag napatay na ayon sa Pangulo, maari na lamang silang maidagdag sa listahan ng mga napatay dahil sa isyu ng human rights.

Aniya, wala siyang pakialam basta’t ang importante ay maalis ang Red Tape sa pamahalaan.

Facebook Comments