Korapsyon, walang lugar sa infrastructure projects – Pangulong Duterte

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang lugar ang korapsyon sa pamahalaan partikular sa mga proyektong imprastraktura.

Sa kanyang talumpati sa Dumaguete-Sibulan Airport, muling tiniyak ng Pangulo na tatapusin ang lahat ng proyekto sa lalong madaling panahon.

Kung kakayanin ay gusto ni Pangulong Duterte na makumpleto ang mga government projects sa loob ng kanyang termino.


Muli niyang tiniyak na paiigtingin ang anti-corruption efforts sa nalalabi ng kanyang termino.

Facebook Comments