Bilang kinatawan ni Cotabato City Mayor Atty. Frances Chynthia Guiani-Sayadi, kinatagpo nina City Vice Mayor Graham Nazer G. Dumama, City Administrator Dr. Danda N. Juanday at Dr. Robert Malcontento ng City Veterinary Office ang Korea International Cooperation Agency (KOICA) para sa consultation meeting at preliminary survey ng panukalang mga proyekto sa lungsod.
Ang proposed projects ay magpapahusay sa agricultural productivity, maglilikha ng livelihood opportunities at magpapabuti sa kalidad ng pamumuhay ng mga magsasaga at miyembro ng kooperatiba sa syudad.
Ang naturang mga proyekto ay nahahanay sa Peace and Development Framework Plan for 2011-2030 ng Mindanao Development Authority.
Ang Cotabato city ay isa sa mga lugar na tinukoy bilang benepisyaryo para sa Agribusiness advancement na naka-pokus sa panukalang gawing hub ng Halal Food Industry ang Cotabato City.