Korean-American drug supplier na si Jun No, inilagay na sa look out bulletin

Manila, Philippines – Inilagay na sa Immigration look out bulletin ang Korean-American drug supplier na si Jun No.

Kabilang sa Immigration look out bulletin list ang mga pangalang No, Jun ,, Jun No at Jazz.

Kasunod nito inaatasan ang mga Immigration officers na i-report sa Office of the Secretary o sa DOJ, Office of the Prosecutor General at PNP ang tangkang pag-alis sa bansa ng nasabing pugante.


Matatandaang kahapon, ipinagharap na ng DOJ ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa pagbebenta ng 140 tableta ng ecstasy si No sa Pasay City Regional Trial Court.

Pero sa kasamaang palad, nakatakas si No matapos siyang sumailalim sa operasyon sa East Avenue Medical Center noong April 5.

Nabatid na ang kanyang mga guwardyang sina SPO2 Ernie Eugenio ay natutulog habang si SPO2 Michael Macarubbo naman ay kumakain sa labas ng ospital.
DZXL558

Facebook Comments