Manila, Philippines – Inilagay na sa lookout bulletin ng Department of Justice (DOJ) ang Korean-American drug supplier na si Jun No.
Dito, inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang Bureau of Immigration (BI) na ipagbigay-alam sa mga otoridad ang tangkang paglabas ni No sa bansa.
Ayon kay Aguirre – kailangang ipagbigay alam agad ang kinaroroonan ni No sa kanyang opisina gayundin sa opisina ng Prosecutor General.
Nabatid na tumakas si No nitong Abril 15 sa East Avenue Medical Center sa Quezon City kung saan siya naka-confine matapos sumailalim sa acute appendicitis operation.
Si No ay gumagamit ng alyas na ‘Justine’ at ‘Jazz’ at naaresto ito nitong Abril 5 dahil sa pagbebenta ng 140 tablets ng ecstasy.
Facebook Comments