Puspusan na ang paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa nalalapit na Asian Games na gaganapin sa China.
Bilang bahagi ng kanilang preparasyon, sasabak sa ilang tune-up games ang Gilas sa kalagitnaan ng kanilang training camp.
Una nilang makakaharap ang Korean Basketball League team na Changwon Sakers sa Setyembre 22.
Good news naman para sa Gilas fans dahil bubuksan sa publiko ang tuneup games na idaraos sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Ayon kay Coach Tim, inimbitahan nila ang Sakers para makita ang paglalaro ng Korea sa Asian Games lalo na’t may tyansang magkatapat sila sa kompetisyon.
Sa pambihirang pagkakataon, magkasamang nag-ensayo ang Gilas men’s at women’s team kahapon na nasaksihan ng publiko.
Samantala bukod sa Korean team, plano raw ni Coach Tim na magkaroon pa ng tuneup games ang Gilas laban sa ilang PBA teams na gaganapin sa Calamba City, Laguna.