Tumutulong na rin ang Korean Embassy sa pagkawala ng Korean national na sinasabing tumakas mula sa detention facility ng Bureau of Immigration (BI) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Ito ay matapos na ipagbigay-alam ng BI sa Embahada ng South Korea ang pagkawala ni Kang Juchun, 38 years old.
Si Kang ay unang naaresto sa Pilipinas noong Pebrero 10 nang dumating ito sa NAIA Terminal 2 mula Bangkok, Thailand.
Ayon sa mga awtoridad, posibleng nagtamo ng mga pinsala sa katawan si Kang matapos mahulog mula sa 20-talampakang bakod na may mga barbed wire.
Ang nasabing Koreano ay nasa Interpol red notice dahil sa mga kasong pagpatay na kinakaharap nito.
Facebook Comments