Korean fugitive na sangkot sa economic crimes sa kanilang bansa, hinarang ng Bureau Of Immigration

Hinarang ng  ng Bureau Of Immigration sa NAIA ang isang puganteng Koreano na convicted sa high tech at intellectual property crimes sa kanilang bansa.

 

Kagagaling lamang ng Tokyo, Japan ng 63-anyos na si Chung Chan Ik nang harangin ito ng immigration officers sa NAIA Terminal 3 lulan ng Cebu Pacific Flight.

 

Nabatid na balak sana ni Chung na magtago sa Pilipinas matapos itong malagay sa red notice ng Interpol.


 

Siya ay nasa blacklist na rin ng Bureau Of Immigration kaya hindi na ito makakapasok muli sa bansa.

Facebook Comments