Korean fugitive na unang nakatakas sa kustodiya ng BI, agad na ipapa-deport

Manila, Philippines – Ipapa-deport ng Bureau of Immigration (BI) sa lalong madaling panahon ang Korean fugitive na unang nakatakas sa kamay ng immigration authorities.

Ang 52-anyos na si Choi Youngseop ay muling naaresto ng BI habang nagpapa-check up Manila Doctor’s Hospital sa Ermita, Manila.

Si Choi ay matagal nang nasa wanted list ng Bureau of Immigration (BI) mula pa noong 2014.


Nabatid na ang nasabing Koreano ay nakakulimbat ng mahigit kalahating milyong dolyar sa kanyang mga niloko sa South Korea.

Facebook Comments